Miyerkules, Setyembre 28, 2011

ABF ka ba? Lahat kasi nasa ‘yo na.

ni: istiiiph PORTASYO. =)) <3istarrrrr

Pamilyar ka ba sa salitang halo-halo, pakbet, at sari-sari store?
 Halo-halo; iba’t ibang sangkap na tulad ng ayskrim, ube, leche flan, langka, saging, kamote, beans, monggo, pinipig, nata de coco, kaong, melon, buko, mais, at sago’t gulaman.Pakbet; bagoong, okra, talong, sitaw, ampalaya, at kalabasa.Sari-sari store; may tindang chichiria, kendi, tsokolate, tinapay, at marami pang iba. Ang tatlong salita na halo-halo, pakbet, at sari-sari store ay magkakaiba, ngunit, may katangiang iisa. Ito ay yung kung tawagin sa ingles, ay ‘all-in-one.’ Bakit ko ito nabangggit? Sapagkat sa ABF, ito ay nakadikit.
Sa apat na sulok ng silid-aralan ng ABF, makikita mo ang iba’t ibang klase ng tao. Sa unang tingin, makikita mo na agad ang mga magaganda. At sa hindi nakakasawang tingin, makikita mo rin ang mga mas magaganda. Mayroong gandang natural, at mayroon din namang mga tiis-ganda. Ito ung mga nagtiis, para lang gumanda. Hindi rin naman mawawala ang mga gwapo. At  syempre, kung may gwapo, meron din namang sinisikap maging gwapo. Kanya kanyang paraan.  NgunitKapag mayroong mga akademikong patimpalak, wala sa bokabolaryo ang mapagiwanan. Lalaban hanggang sa kahuli-hulihan para lang makuha ang isa sa tatlong pwesto para sa mga nanalo.  At kung magagawa ito, masayang maipagmamalaki at madadala ang pangalan ng kolehiyo. Hindi lang pagkamarunong ang taglay na sangkap ng ABF. May dagdag pa itong sangkap ng mga namumutok na talento. Pagdating sa kantahan, ABF 2-1 ang nasa unahan. Bagamat inaamin na may ilang sintunado, nadadala naman ito kung hihinaan ang pagkanta nila, at ang mga tunay na talentado sa larangan ng awit, sila ang bibirit. Kaya ang kalalabasan ng pagkanta, masasabing walang kasing lupit. Magpapahuli ba naman ang mga mahuhusay sumayaw? Syempre ay hindi. Kapag sila ay nagpakita ng sayaw, lahat ay todo hataw. Lahat ng sayaw at awit ay nabibigyan  ng buhay makabago o makaluma man. Hindi makukumpleto ang sangkap kung wala ang pinaka importante. Ang sangkap ng pag-uugali. Dito sa ABF, uso ang pagtutulungan at pagkakaisa. Patok din ang kasiyahan at pagmamahalan at syempre, walang puwang ang walang modong kaasalan. Ang may puwang lang, eh ang respeto at galangan.
            Gaya ng halo-halo, pakbet, at sari-sari store na may iba’t ibang sangkap o laman, ganito rin ang ABF. Iba iba ang kahinaan, iba iba rin ang kagalingan at kalakasan. Binubuo ng iba’t ibang sangkap ng pagkatao, pinaghalong sangkap ng mga talento, pero tumatayo para sa iisang pangalan; Batsilyer ng  Artes sa Filipinolohiya. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento