Huwebes, Setyembre 8, 2011

Yan ang PINOY!

Ni Rodelyn Flores

Ang Pilipinas ay magkakahalong lipunan
Binubuo ng mga pulo pulong lalawigan
Kalat-kalat ang mga kultura’t kaugalian
Pero iisa lang ang pinaniniwalaan
Ang Maykapal na syang may kagagawan
                                                                        
Ang mga Pinoy na nagbabayanihan
Nagtutulungan kahit kalian o saan man
Ang bahay na sabaysabay na bubuhatin
Minsa’y sinasabayan pa ng awitin
Upang hindi maramdam ang kabigatan

Nanalaytay ang pagmamahalan
Anumang oras ay nagdadamayan
Hindi kalian man nag-iiwanan
Pag-ibig ang syang kayaman
Binibigay ito kanino man


Pinoy, pundasyon ang pakikisama
Kaginhawaan o pighati ay iyong makakasama
Nais ang maganda at mabuting pakikitungo sa iba
Ang anumang lahi di tinuturing na iba
Yan ang mayroon sa Pinoy na wala sa iba


Ang bawat isa’y sinasalamin
Sa mga dayuhan hindi papaalipin
Kaugaliang Pinoy ating pagyamanin
Sariling atin, ating tangkilikin
Yan ang PINOY saan man dalhin




1 komento: