Miyerkules, Setyembre 14, 2011

Masayahin si Juan... SOBRA!

Ni : Judy A. Belleza
(Tula)

Masayahin ka ba?
Ako?.. Medyo lang...
Si Juan?...
Oo, masayahin sya..
SOBRA!


Yung tipong...
Wala nang pera,
at butas na ang bulsa..
Hahalakhak at hahalakhak pa rin.
Ganoon si Juan.


Yung tipong...
Kumakalam na ang sikmura,
dahil sa gutom...
Tatawa at tatawa pa rin.
Ganiyan si Juan.


Yung tipong...
Pagsakluban man na langit at lupa...
Bahain man ng halos gadagat na tubig...
Ngingiti at ngingiti pa rin.
'Yan si Juan.


Yung tipong...
Kahit ano pang klaseng problema 'yan...
Para kay Juan...
Hangga't may halakhakan, tawanan at ngitian...
May pag-asa.


'Yan si Juan,
Si Juan Dela Cruz...
Ang mga mamamayan ng Pilipinas...
Oo, masayahin sila....
SOBRA!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento