Ni: Lovely Polyn R. Espina
Masdan ang kapaligiran
Napakagandang tanawin.
Halintulad sa ‘yong mukha
Lalo pa’t tinititigan
Alis pati aking pagod.
Sa t’wing ika’y nalalayo
Pilit kong inaalala
Ang mapupula mong labi
Na hinahanap-hanap ko
Kung ako ay nag-iisa.
Ang pantay-pantay mo na mga ngipin
Parang damit na nilabhan sa “tide”
Pagkat napakaganda’t maputi.
Tila isang Birhen naman
Ang mapupungay mong mata.
Nakapupukaw ng atensyon
Ang mala-rosas mong mga pisngi.
Ang natural na bagsak ng iyong buhok
Sumusunod sa iyong bawat na galaw.
Oh aking mahal, kay sarap mong pagmasdan.
Ganiyan ang aking narinig
Mula sa ginoo sa batis
Habang siya’y nanghaharana.
Wari ko ay nililigawan niya
Ang isang marikit na binibini.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento