ni RACHELLE A. RANGASAJO
Ako’y isang kalabaw
Katulong ng magsasaka sa bukid niyang tanglaw
Tagapag-araro na’y nagbubungkal pa
Ng lupang kanyang pagtataniman
Nang malagyan naman ang tiyan at bulsang walang laman
Ako’y nga ay isang kalabaw
Sa tuwina’y bilad sa araw
Heto nga’t nangingitim na
At sa bahong taglay tila umaalingasaw
Ngunit hindi ito kalian man ang sa akin ay magpapasuko
Ako’y man ay isang kalabaw
Kay rami produktong maipagmamalaki
Ngunit serbisyo ko ang namumukod tangi
Sa sakahan nakayuko ko silang pagsisilbihan
Baligtarin man natin ang mundo sila pa rin itong makikinabang
Naisulat man sa isang kasabihang
Ako lamang daw ang siyang tumatanda
Iaalay ang buhay di para sa ’kin kundi kanila
Sa amo kong tanda ng pag-utos ay hampas
Titiisin ang sakit para sa kumakalam na sikmura
Kahirapan man ang tanda ng patuloy kong pag-usbong
Ako ang tutugon sa pangangailangan ng mga poon
Sa mga ito ako ang magbibigay tuon
Bigyan man nila ako ng matinding hamon
Sa paghihirap kong ito ako muling babangon
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento