Miyerkules, Setyembre 28, 2011

EDUKASYON : Isang Pamana

Ni: istiiiph PORTASYOW. =)) <3istarrrr



Naitanong mo na ba sa sarili mo kung bakit ka pa nag-aaral? Kung oo, ilang beses mo nang naitanong ito? Kung hindi naman, bakit hindi mo subukan? Masusumpungan mo ba ang kasagutan?
            Labindalawang taon na ang nagugol ko sa pagaaral hanggang sa kasalukuyan. Dalawang taon pa ang dapat kong mapunan. Pero kung susumahin, ubod na ng dami ang aking napagaralan. Sa sobrang dami, naging dahilan ito para ang ilan ay hindi ko na matandaan. May mga bagay na hindi ko na alam o natatandaan sa ngayon. Pero sigurado ako, dumaan na iyon sa tenga ko, sandaling naunawaan ko, dahil paglipas ng panahon, nawala na sa isip ko.
            Ilang beses na kong nakakuha ng mababang marka mula sa pagkakabagsak sa isang graded recitation, proyekto, pagsusulit, at eksaminasyon. At sa tuwing nangyayari ito, bumabalik balik sa isip ko ang tanong na bakit pa ko nag-aaral? Wala rin namang palang pinagkaiba kung magaaral ako hindi. Mararanasan ko rin naman palang makakuha ng bagsak na marka. Ano bang parusa kapag ang pinaka ayokong subject na math eh hindi ko maunawaan? Magiging dahilan ba ito para hindi ko maabot ang mga pangarap ko? Kapag hindi ko ba natandaaan at naunawaan ang lahat ng itinuro sa akin, maituturing na  ba akong hindi matalino?  Kapag nakuha ko ba ang markang 75 at 5 sa kolehiyo, magiging batayan na ito para sabihing ako ay bobo?
            Maswerte ako at nabigyan ako ng pagkakataon na makapagaral. Kung magaaral ako, anu bang makukuha ko? Naitanong mo na ba ito sa sarili mo? Kung hindi pa, malamang ay hindi ka pinalad na madama ang pagaaral.
            Isang mas malaking kamangmangan kung may pagkakataon kang magaral, ngunit hindi mo sinulit. Mas masakit kung hindi mo mararanasan ang pait. Bumagsak ka man sa mga pagsusulit, ang mahalaga ikaw ay may nasungkit. Nasungkit na kaalaman. Kung hindi ka babagsak, hindi mo malalaman na kailangan mo pang mas lalong magpursigi na kumuha ng kaalaman. Kaalaman na tutulong sayo para mas mapalapit sa iyong mga pangarap. Pangarap, na binuo mo para sa iyo, at sa pamilya mo, lalo na ang mga magulang mo. Mga magulang mo, na sinasabing EDUKASYON lamang ang tanging maipamamana sa iyo.
Naitanong mo na ba kung bakit ka pa nagaaral? Hindi mo kailangan ng sagot sa tanong na iyan. Wag kwestyunin ang plano ng Diyos para sa iyo. Malamang na ang PAG-AARAL/EDUKASYON, gaano man kahirap, ay mabuti ang maidudulot sa iyo dahil ito, ay pamanang hindi mananakaw sa iyo ng kahit na sino mula sa mga magulang mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento