Biyernes, Setyembre 30, 2011

Magiliw si Juan

Ni Faith Elaine Pedroso

Ang mga Plipino ay kilala sa pagiging magiliw sa mga bisita,ito ang isa sa mga bagay na nagiging dahilan kung bakit ang ating bansa ay nagkakaroon ng tatak sa mga dayuhan. Ngunit, napapanatili pa ba natin ang ganitong kaugalian hanggang sa kasalukuyang panahon? Iniingatan pa ba natin ang kaugaliang pinaghirapang panatilihin ng ating ninuno?
Ang bansang Pilipinas ay hindi lamang kilala sa pagkakaroon ng mayamang kalikasan,kurakot na mga pinuno kundi pati na rin sa kung paano natin ituring ang mga dayuhan na bumibisita sa ating bansa. Ito ay dahilan ng pagsusumikap ng ating mga ninuno upang bumuo at magpanatili ng nasabing katangian. Pero ayon din sa aking karanasan, ang katangiang ito ay unti-unti nang nawawala at makikita na lamang sa mga nayon na hindi pa gaanong naaabot ng modernisasyon. Ang pagiging magiliw sa panauhin ay hindi lamang nagpapaganda ng ating imahe sa mga paauhin, napapatunayan din nito na tayo ay isang tunay na Pilipino. Noon, tuwing may dumarating na panauhin ay daig pa ng taong binisita ang nanalo sa isang patimpalak, pinaghahandaan nila ang pagdating ng mga bisita, nilalabas ang mga gamit na hindi naman ginagamit ng madalas gaya na lamang ng kumot, tuwalya at mga kasangkapan sa pagkain at tuwing may bisita bigla na lamang sumasarap ang mga pagkaing hinahain sa hapag kahit walang kapera-pera si Nanay. Ngunit ngayon, kapag may dumalaw sa iyong panauhin ay gustong -gusto na nila agad itong paalisin at kung minsan ay ni hindi man lamang nila maalok ang mga itong magmerienda.
Nagbago na talaga ang ugali ng mga Pilipino, may ilan man na hindi pa natatangay ng agos ng makabagong panahon ay alam ko na sa mga susunod pang mga dekada ay onti-onti na rin silang mahahawa ng isang sakit, sakit na pumapatay sa ating pagkatao at umuubos ng ating mga tradisyon, ito ay ang modenisasyon.
Ang pagiging modernisado ay hindi naman problema kung ito ay para sa ikauunlad ng sariling bansa, imbes na tanggapin natin ang modernisasyon sa negatibong paraan ay tanggapin natin ito bilang positibo at gamitin upang mas paunlarin pa an gating bansa at ang ating pagkatao. Gamitin natin ito upang maibalik ang kaugaliang ipinagmamalaki ng Pinoy. Pagyabungin natin ang ating pagka-Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento