Biyernes, Setyembre 9, 2011

Saan Ka Pa?

Ni Janica Landicho Ruiz



Oh ilaw, sa gabing madilim… uso yang kantang yan sa ABF. Lalo na sa 2-1. Pano ba naman, hinarana ng isa naming kaklase yung kaibigan namin. Pilipino nga naman o! Pilipino lang ang nanghaharana. Pero, ano nga ba ang ilaw? Ano nga ba ang hatid nitong liwanag? Basta kaming 2-1, siguradong positibong liwanag ang aming nasasagap. Sa klase naming g ito, palaging may nakikialam, at may mga wala ring pakialam. May makulit at mabait. May tawanan, may dramahan. Halakhak dito, halakhak doon. Tawanan dito, tawanan doon. Grupo dito, grupo doon. Ngunit kahit maraming grupo, lahat nama’y magkakaibigan. Lahat may paggalang. Lahat nagtutulungan. Pero, hindi naman parating puro kasiyahan lang. Syempre, minsan may hindi rin pagkakaunawaan. Naalala ko yung kaibigan ko nung sinabi nya sa akin na ang bobo raw nya. Sabi ko, walang taong bobo, masyado lang silang nagmamagaling. Naniniwala kasi ako na kung mas may alam ka, hindi mo dapat gamitin yun para i-down yung iba sa halip ay gamitin mo iyon para tulungan sila. Diba? Ang pagpasok naman ay hindi kompetisyon kundi isang sangkap para tayo ay matuto. Ayun tsaka alam ko na kailangan nating pagdaanan yung mga ganitong bagay upang masubukan ang tibay ng 2-1 diba? Ganyan kasi ang 2-1. Matibay ang loob. Buo ang paniniwala. (sabay kindat).
Isa pa sa magandang katangian ng 2-1 ay ang pagiging mapagkumbaba sa likod ng pagiging talentado ( dahil sa SATULAWITAN). Aba, e san ka pa, kumakanta na, sumasayaw pa! bihira ka lang makakita na lalaking nagba-ballet at babaeng nagwawaka-waka. San ka pa? Talagang nasusubok ang aming galing dahil sa aming gurong magaling. Sa retorika, kahit kami’y nahihirapan, patuloy pa rin ang laban. San ka pa? Yung binanggit kong nagba-balllet na lalaki, di nila alam, hari palang talaga (sa singkil) o san ka pa? sa klase namin, may malaking panga, malaking ulo, malaking paa, at may malaking tao. May maliit din naman. May feeling singer at dancer din pero kahit hindi naman kaya, aba pilit ginagawa basta kailangan. Pursigido talaga, o san ka pa? ang 2-1 may pasaway, pero di mahilig sa away. Medyo lang.
Kahit pa iba-iba kami ng hilig at may kanya-kanyang pananaw, sama-sama pa rin kami. Kahit pa iba’t-iba ang gusto, pinagbuklod kami ng pangarap. Maging matagumpay sa buhay at parating masaya. Sa likod ng ngiti sa mga labi, may natatagong lihim. Sa hirap na pinagdadaanan at pagdadaanan natin, basta may suporta ng bawat isa, kayang kaya! ABF pa?! O SAN KA PA?
( Maraming salamat sa aming Dalubguro na si Propesor Apigo. Magagamit po namin ang Retorika at lahat ng itinuro ninyo sa hinaharap. Salamat po muli =)) )

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento