Miyerkules, Setyembre 28, 2011

WIKANG FILIPINO !!!

Ni Rodelyn A. Flores

Ang lahat ng may buhay dito sa sansinukob

Poong Maykapal ang nagkaloob

Ang tao, hayop at kalikasan

Ang lahat ay may wikang kinabibilangan

May kanya-kanyang wikang pinahahalagahan


Ang wika ng mga pusa ay iba sa wika ng mga aso

Ganoon din ang mga puno at karagatan

Ang tao, ang mga Pilipino

May iba’t ibang wika na kinagisnan

Paggamit ng kanya-kanyang wika ay karapatan


Ako, bilang isang mamamayang Pilipino.

Hindi lamang ako kilala bilang matipuno.

Nakikilala rin ako sa paggamit ng Wikang Filipno.

Saan man sulok ng Perlas na Silanganan ,

Bernakular na wika iyong mariringgan


Ilokano ako, Bisaya ka.

Waray sila, Bikolano yung iba.

Ilan lamang yan sa ating mga dayalekto.

Ito’y pinag-iisa ng Wikang Filipino.

Wikang Pambansa nasa ating dila’t diwa.


Ang ating sariling wika’y isapuso’t isip.

Saan man tayo magpunta ito’y ating kalakip.

Wikang Filipino ating tangkilikin.

Wikang banyaga ’wag nating angkinin.

Sariling Wika ang ating sandata.

1 komento:

  1. dagdagan pa ang bokabularyo upang makagamit ng mas magagandang salita para maging mabisa ang tula :)) modernong tula ito .. pero para sakin pagdating sa tula mas maganda parin ang nakaugaliang tula na my haba at tugma :)) .. ayos nmn ang tula mo .. ipagpatuloy !! ^_^ go.go.go !! ^_^

    TumugonBurahin