Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Paano ba?

Ni Hazel Ann C. Lunas

Paano ko ba malalamang di na kita mahal?
kung patuloy ko pa ring
binabanggit ang iyong ngalan
di ka malimot ng utak ko
patuloy mong sinasaktan ang puso ko

Paano ko ba malilimot
ang isang tulad mo
kung patuloy kong naririnig
ang magandang tinig mo
kahit di ka na naaabot ng paningin ko

Paano ko ba tatanggaping wala ka na
Kung patuloy ka ng dinadala
Ng isipan ko sa tabi ko
At kung patuloy ko paring
Inaalala ang ginagawa mo

Paano ko ba makakalimutan ang lahat
Kung sa pagtulog at paggising ko
Ikaw ang naaalala ko
At kung pakiramdam ko’y Lagi kang naroon
Nasaan man ako

Paano ko tatanggaping
Unti unti mo na kong kinalimutan
Kaya dapat ay unti unti narin kitang kalimutan
Dahil ang pagmamahal ay panandalian
at ang paglimot ay pangwalang hanggan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento