Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Sariling Wika Ikauunlad ng Bansa

Ni Rodelyn A. Flores

Piyesang Pangtalumpati

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda”.

-- Jose P. Rizal

Hindi ko alam ang wikang Espanyol , kaunti lamang ang alam ko sa wikang Ingles. Ako‘y isang Pilipino, isinilang sa Pilipinas. Ako’y hindi makata ngunit nasa aking diwa ang pagka-Pilipino. Kailangan magkaroon ng sariling wika ang ating Perlas na Silangan. Isang wika na nakabatay sa isa sa mga bernakular na wika na magsisilbing Wikang Pambansa.

Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan sa hindi paggamit ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos at wika ng mga banyaga kahit hindi alam kung ito’y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan—ang kakulangan ng isang tunay na pambansang kamalayan. Hindi maaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang isang wikang ginagamit ng lahat.

Ako. Ikaw. Sila. Kayo. Tayo. Tayong mga Pilipino lang ang magmamahal sa ating bansang sinilangan. Sa atin magsisimula ang pagtangkilik sa sariling atin. Sino sino pa ba ang tatangkilik sa mga tatak ng Pinoy kung hindi tayo tayo ring mga mamamayang Pilipino. Higit na kailangan ng pansin ang paggamit ng sariling wika, ang Wikang Filipino.

Sinasabi na isa sa mga mahihirap na bansa ang Pilipinas. Oo. Sang-ayon ako roon dahil kitang kita naman sa ating lipunan ang kahirapan. Bakit nga ba may mahirap? Sabi nila nilikha daw tayo ng Poong Maykapal ng pantay-pantay ngunit bakit nagkakaroon ng mayaman at mahirap? Ang mga bansang Amerika, Tsina, Hapon sila’y mauunlad. Ang wika nilang ginagamit ay kanilang sariling wika, hindi wika ng iba.

Isulong natin ang pagtangkilik sa sariling atin hindi ng kung sinomang dayuhan. Payabungin at pagyamanin ang ating sariling wika, Wikang Filipino wikang pambansa. Ang sariling wika ang magsisilbing instrumento upang makamit ang kapayapaan at kaunlaran ng isang bansa.

Wikang Flipino wikang pambansa tungo sa ikakauunlad ng ating bansa!


3 komento:

  1. nakikita ko ang nais mong ipabatid na mensahe.. subalit pansinin natin maraming diyalekto ang umiiral dito sa pilipinas at sa pagpili palang ng diyalekto kung anu ang dapat gamitin ay may kalituhan na at pagtatalo ang ibat ibang sektor..
    dapat muna nating bigyan ng isang istandard na wika bago tayo maging isang intelektwalisado.. subukan mong talakayin ito, hanapin mo muna ang pinagmulan ng pinakakatatagong sugat bago mo ito gamutin at pahilumin.


    kung sa mga linya,maging maingat ka iwasan ang typo at pumili ng angkop na mga salita para walang kalituhan..

    TumugonBurahin
  2. AYOS ! :)) maganda ang pagpili ng mga salita .. merong isang typo error sa pangatlong pangungusap .. hmmm . onting linis pa sa pagkakasunod-sunod ng mga idea upang mas maging mabisa ang akda.

    sa kabuohan .. ay maayos mo namang naipahayag na ang pagmmhal sa sariling wika ay mak22long sa magunlad ng bansa .

    TumugonBurahin