Huwebes, Setyembre 29, 2011

Ang mga Pilipino sa ABAKADA Nito

ni RACHELLE A. RANGASAJO


Ang mga Pilipino’y natatangi sa lahat
Balot man ng dugo ng mga dayuhan
Kahit pa sabihing alipin lang naman
Dala ang wika’y maroon maipagmamalaki
Ewan ko na nga lang bakit di natin masabi

Gamit ang wika’y makikilala mo ang tunay na Pilipino
Habang ang iba’y panggagaya ang alam
Itong mga Pilipino’y gumawa ng pagkakakilanlan
Lamang sa iba dahil may sariling wika
Malas nga lang ngayo’y ikinakahiya

Nakamit ang kalayaan mula sa mananakop
Ngawa ng paghihirap sa pagkakalugmok
Oras ng pagtigil sa pagdarahop
Pamahalaang bingi sa paghihimutok
Ramdam ng lahat at wika’y minsang nang naging sagot


Sapagkat ang wika di kalian man mawawala
Tangan ng lahat para makuha ang ninanasa
Ugali ng tao’y magmumula sa bibig, sa wikang lalabas at masasambit
Wari’y kawala ang pagtanggi at paglimot
Yaman na tangi’t maipagmamalaki, sana’y di lang ako kundi ng nakararami

1 komento: