Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Kulturang Pilipino natatangi ka

ni Hazel Ann C.Lunas

   
        Kilala tayo sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa kakaiba ng kultura nating mga Pilipino.Maraming mga dayunan ang pumipili ng Pilipino upang sila ay pagsilbihan at alagaan ,sapagkat ang mga Pilipino ay matapat at maalaga.Nakatatak na talaga sa ating mga Pilipino ang pagiging maalaga at mapagmahal,kaya nga ang mga OFW ay napapamahal na sa mga alaga nila sa ibang bansa.Minamahal nila ito na parang tunay nilang kapamilya at itinuturing na hindi na iba sa kanila.Marami ring mga dayuhan ang nagpapabalik-balik sa ating bansa dahil sa kakaiba nating kultura,ang mainit nating pagtanggap sa kanila ang gusting gusto nila ,dagdag pa ang iba’t ibang kaugaliang namana pa nati sa ating mga ninuno.Marami rin ang namamangha sa ating mga katutubo,sapagiging malapit nating mga Pinoy sa ating mga pamilya ,at lalong lalo na sa Diyos.Marami rin ang namamangha sa natatangi nating jeepney,sa paggamit natin ng tabo at sa maagang pagsalubong natin sa pasko at marami pang iba. 

        Ang mga paniniwala,kaugalian at mga natatanging bagay na nasa Pilipinas ang nagiging dahilan upang maging katangi tangi tayo.Kaya dapat nating ipagmalaki ang Kulturang Pilipino sapagkat tayo lang ang mayroon nito at maraming humahanga sa atin sapagkat natatangi tayo.

1 komento: