Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Puerto Prinsesa Underground River Ipagmalaki!

ni Hazel Ann C. Lunas
  
          Tunay na maraming natatanging tanawin sa Pilipinas,din a ako magtataka kung maraming turista ang patuloy na dumarayo sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.Isa sa natatanging tanawin na ito ay ang Puerto Prinsesa Underground River na nominado ngayon bilang isa sa mga 7 wonders of the world .Hindi na nakakagulat pa na maipanlaban ito sa buong mundo dahil sa taglay nito ang magagandang kweba at napakalinaw na tubig ng ilog nito,kaya dapat natin itong ipagmalaki at iboto via text message or email para maipakita ang ganda nito sa buong mundo. 

         Minsan ng naging parte ang Banawe Rice Terraces sa 7 wonders of the world kaya isa ito sa mga patunay na ang Pilipinas ay maraming magagandang tanawin na maaring ipagmalaki,ang mga biyayang ito ay dapat din nating linangin dahil ipinagkaloob ito sa atin.
    
         Pangalagaan natin ang mga tanawing ito na mayroon tayo dito sa Pilipinas sapagkat ito ang pagkakakilanlan natin,nakikilala tayo sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa mga ito.Ipagmalaki ang Puerto Prinsesa Underground River at ang iba pang tanawin sa Pilipinas ….Dahil sa atin ito Pilipino !

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento