Biyernes, Setyembre 30, 2011

Ako


Ni Faith Elaine Pedroso

Ako’y pilipino! Sa isip, sa salita at sa gawa
Buhay ko’y ilalaan para sayong kaligtasan
Hirap ay susuungin upang kaginhawaa’y iyong makamtan
Para sa dakila mong pangalan, dugo’y iaalay
Puso koy handang ibigay mabuhay ka lamang

Ika’y nakita kong lumuha at masaktan
Ilang ulit kang pinahirapan
Dinusta ang iyong pangalan
Pati ang pagkatao mo’y tinapak-tapakan

Paghihirap mo ma’y di nasaksihan
Pangako ko sayo, di kita iiwan
Ikay aking ipaglalaban!
Buhay ko’y itataya
Guminhawa ka lamang

Pilipino akong tunay sa puso, isip at sa gawa
Matapang na lalaban sa kahirapan at pagmamalabis
Itatayo ka sa pakatumba mula sa dusa
Ika’y ipagtatanggol sa mga dayuhang nang-aapi
Ipaglalaban ko ang iyong karangalan na dati’y sawi

Ipinagmamalaki kong ako’y isang Pilipino
Buo ang puso sa pagsubok, matatag na sasabay sa malakas na agos
Ikararangal ang lupang sinilangan
Iaangat ang iyong pangalan
Buong pusong isisigaw ko sa mundo na ako’y isang Pilipino

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento