Lunes, Setyembre 26, 2011

Oo. Isa Akong Pinoy.

Ni : Janica L. Ruiz
Kayumanggi ang balat
kakaiba sa lahat
ang pagiging matapat
at talaga namang angat
Pinoy ako, lahing Pilipino

Pinoy ako, lahing Pilipino
pagiging makabayan
ang isa samga dahilan
kung bakit ako, isang Asyano
ay kilala saan mang parte sa mundo

Palagian kong pagngiti
lungkot ko'y naikukubli
pagiging masayahin at
pagiging matiisin
Ako'y Pilipino, Pinoy na totoo

Maliit man ang ating bansa
pulo-pulo man ito
may malaki naman tayong
pag-ibig at pagtitiwala
sa ating bayan at kapwa

Iba-iba man ang kaugalian
pinagbuklod ng isang pangalan
walang masamang hangarin
para sa ikauunlad ng bayan.
Ipagmalaki mo, ikaw ay Pilipino


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento