Miyerkules, Setyembre 28, 2011


T.F

Ni: Regine C. Catolico

Sadyang pagkakaibigan sa klase ay di maiiwasan,
sino ba nga ba ang magtutulungan, tayo ring nahihirapan.
Totoong minsan ay naakakahiyaan,
Ngunit isa’t-isa pa rin ang takbuhan.

Di makakaila sa pagsasamahan ay may naiiba,
Di mo alm ang nais niyang ipagawa.
Lahat na nga ay nagkakaisa,
Ngunit siya na lang ang di pa natutuwa.

Hindi ko alam ang nadarama,
Tuwing iisiping dalawang taon na lang ang natitira.
Hindi sigurado sino pa ang makakasama,
Ngunit tiyak ang pagkakaibiga’y di mawawala.

Maraming bagay akong natutunan,
Maraming tao rin akong napagpilian,
Na maaari kong tawaging mga kaibigan,
Mga taong dagdag sa king pinagkakatiwalaan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento