Lunes, Setyembre 26, 2011

Palimos po ng Boto

Ni : Janica L. Ruiz

" Ang paggawa ng mabuti at tama ang siyang magbibigay daan sa atin sa tagumpay na ating mga minimithi "
Magandang araw po sa inyo aking mga kababayan. Magandang araw po sa mga taong nakikinig at nagbibigay pansin sa akin sa mga sandaling ito. Sa totoo lang po, hindi madali ang tumayo dito sa harapan ninyo. Alam ko pong iba-iba kayo ng reaksyon. Hindi ko po kayo masisisi. Nagdaan na rin po ako sa ganyan. Ngunit alam ko pong tayong mga Pilipino ay likas na magiliw, alam ko pog ako ay pagtutuunan ninyo ng pansin. Ako po ay naririto sa inyong harapan upang hingin ang inyong tulong. Kung noon po ang pulitiko ay masasabi kong maganda ang pamamaraan dahil noon, kung sino ang malakas siya ang kikilalaning pinuno. Ngayon, Kinakailangang magsuot ng maskara ang ilang papasok sa pulitika upang makuha ang kanilang gusto. Simula po ng dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ang dating mga Datu ay napalitan ng mga Gobernador, Mayor at iba pa. Naging malaki ang impluwensya ng mga dayuhan sa atin pagdating sa larangan ng pulitika. Naparito po ako sa harap ninyo hindi para isalaysay ang kasaysayan kundi upang ipabatid na hindi marumi ang pulitika. Ang nagiging marumi ay ang mga pulitikong gahaman sa kapangyarihan. Hindi rin nangangahulugang lahat ng pulitiko ay sabik sa kapangyarihan. May mga pulitiko pa rin po na gustong mapabuti ang bayan. Ang Pilipino ay likas na may pag-ibig sa bayang sinilangan. Likas rin pong masipag ang mga Pilipino. Masipag gumawau ng tama.
Kaya ngayon po, hinihingi ko ang tulong at suporta nyo. Samahan po ninyo akong baguhin ang tingin sa atin ng mga bansang dayuhan na ang mga Pilipino ay manloloko, kurakot at tamad. Ibalik po natin ang tiwala nila. Hindi po ako nangangako, pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang maibalik ang dating mga Pilipino. Pilipinong masisipag at matitiyaga, makabayan at Pilipinong mga makapuso. Samahan po ninyo ako sa pagbabago. Pagbabago para sa ikauunlad ng ating lahi. Naniniwala po ako na kung sama-sama tayo, ang ating mithiin ay ating makakamit. Maraming salamat po !

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento