Martes, Setyembre 27, 2011

Harana, Nasaan Ka Na?

Karla Niña Bautista Mallannao

Hindi ba't kay sarap sa pakiramdam
Na ika'y hinaharana sa iyong tahanan?
Lalo na kung ang taong kumakanta
Ay ang taong iyo ring minamahal
Napakasarap pakinggan at magaan sa pakiramdam.

Ito ay nakaugalian na nating mga Pilipino
Ang panghaharana ng mga binatang may sinisinta
Kumakanta at naggigitara ang binata
Habang nakadungaw sa bintana ang dalaga
Ang eksena ay napakaganda.

Ngunit sa panahon ngayon
Ang panghaharana ay nawawala na
Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya
Gamit sa panliligaw ay "Computer" at "CP" na
Nawala na ang kaugaliang tatak Pinoy talaga.

Para sa akin, harana ay mahalaga
Dahil dito napapakitang tunay talaga
Ang pagmamahal ng lalaki sa kanyang sinisinta
Ang paggamit ng "Hightech" ay di uubra
Para mapatunayang mahal ka talaga.

Nawa'y ang harana ay muling makita
Sa bawat paligid nitong ating bansa
At maibalik sa ating mga ala-ala
Na ito ay tatak Pilipino talaga
Kaya dapat paunlarin pa!

1 komento:

  1. Ang mensahe ng tula ay masasabi kong akma sa kasalukuyang kalagayan ng mundo ng kabataan.
    Tila lumipas na nga ang dating nakagawian pagdating sa panliligaw..
    Sa kabuuan, maganda ang nilalaman. Kailangan lang gumamit pa ng mga salitang malalim o matalinhaga.Panatiliin ang mga dulo ng salita sa bawat pangungusap na magkakatugma ang tunog. :))

    TumugonBurahin