Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Filipino Time

Ni Lovely Polyn R. Espina

Ayan na naman ang pasukan
Pasukan na inaabangan
Inaabangan ng mga estudyante
Estudyante na sa una lang masipag.
Masipag lang sa paghingi ng baon.

Estudyanteng ikawalo ang pasok
Pasok sa unang klase
Klase ng Math
Math na kinatatakutan
Kinatatakutan ng bawat estudyante.

Oh Juan,
Juan na kung pumasok ay alas nuwebe
Alas nuwebe na nga’y hindi pa bilisan.
Bilisan mo’t malapit ng matapos,
Matapos ang sabjek na ayaw mo.

Kahit na mapagalitan,
Mapagalitan ng guro
Guro na handang gumabay
Gumabay sa estudyante
Estudyante na laging pasaway.

Itong si Juan
Juan, palibhasa ay Pinoy
Pinoy na lagi na ngang huli.
Huli pati sa pagpasok
Pagpasok sa paaralan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento