Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Ang Harana


Ni: Karen Fababeir




Oh! Ilaw,


Isa lamang ang mga iyan sa mga sikat na linya ng awitin na kinakikiligan n gating mga Ina, Tita, at Lola noong kapanahunan nila. Mga awiting inialay sa kanila n gating mga butihing Ama, Tito at Lolo.


Sino nga ba naman ang hindi makakaalam ng ibig sabihin ng salitang HARANA. Sikat ito lalo noong panahon nila nanay. Ang harana ay ginawa n gating mga ama sa ating mga ina, ginawa rin ito ni lolo sa aking lola, maging ni tito kay tita o kung sino pang lalaki sa kanilang mga sinta.


Inaawitan nila ang mga babaeng nais nilang maging kasintahan. Ginagawa nila ito sa gabi sa harap ng tahanan ng kanilang mga iniibig. Nagbabakasakali na tutugunan ang kanilang munting awit sa pamamagitan ng pagdungaw ng kanilang irog sa kanilang bintana.


Napakasarap siguro ng pakiramdam kung ikaw ay hinaharana. Kung sa parte naman ng lalaki, napakasarap sa pakiramdam kapag nakakakita ka ng mga ngiti sa labi ng iyong giliw habang sya ay iyong hinaharana. Mas maswerte kung aanyayahan ka pa na pumasok sa kanilang tahanan at kapag nakipag-usap ang ama ng babae sa binata isang palatandaan ito na may pag-asa siya. Ngunit masakit kung hindi matamis na ngiti kundi malamig na tubig ang mapala mo tulad ng napapanood natin sa mga lumang palabas.


Bilang isang dalaga nais ko ring maranasan ang haranahin, tulad ng naranasan ng aking ina. Napakasarap siguro sa pakiramdam ng hinaharana ka. Kung ako ang papipiliin mas nanaisin ko pa na ako ay ligawan sa paraan ng panghaharana kaysa sa daanin ako sa matatamis at mababangong mga bulaklak. Dahil para sakin mas mararamdaman natin ang sinseridad ng isang lalaki kung buong tapang siyang pupunta sa inyong tahanan upang manligaw.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento