Sabado, Oktubre 8, 2011

Sa mahal kong Ina...

Ni: Judy A. Belleza


Sa aking Ina na nagluwal sa akin sa mundong ito bilang isang Pilipino, mabuhay ka. Nang dahil sa iyo ako ay naging isang natatanging mamamayan mo at ang aking tinatangi ay ikaw lamang at wala ng iba. Ang Nagkalinga sa amin at nagbigay ng masisilungan sa tuwing ang panahon ay hindi maipinta, ang kumupkop sa aking sa kabila ng pagiging hindi tapat at pag-iwan sa iyo.

Nariyan ka lamang tahimik na nagmamasid at nagbabantay sa aming mga anak mo. Isinilang mo ako sa mundong hindi patas ang pagtingin sa buhay, bilang isang Pilipino, matatag, matalino, masayahin at higit sa lahat ay may mabuting loob. Lumaki ako sa piling mo na masipag at matiyaga upang mabuhay, dahil itinuro mo sa akin na walang karapatang mabuhay ang mga taong tamad, kaya naman kailangan ay maging kayod kalabaw kami.

Hindi ko pinagsisihan ang kulay na ibinigay mo sa akin sa halip ay taas noo kong ipinagmamalaki ang kulay na ito, dahil ang kulay na ito ay ang kulay ng taong matagumpay sa buhay, ang kulay na ito ay kulay din ng mga kapatid ko na nagligtas sa iyo laban sa mga mananakop at naging dahilan kung bakit kami ay malayang kang nakakapiling.

Ikaw ang nagturo sa akin ng ating sariling wika, ang unang wikang natutunan ko, ang unang wikang ginamit ko upang maipahayag ang aking mga saloobin at hinaing sa buhay, ang wikang minamahal ko noon at ngayon, ang Wikang Filipino. Sa piling mo rin ako natutong manalig sa Diyos, ang magdasal bago matulog, pagkagising at kapag nakatatanggap ng biyaya ay magpasalamat sa dakilang Maykapal.

Sa mahal kong Ina na nagturo sa akin na huwag maging mapili at maarte na naging dahilan kung bakit may ugali ako ngayong nagkakamay habang kumakain at nagturo sa akin na kapag humihingi ng tulong ang aking kapwa ay huwag mag-alintana na siya ay tulungan na naging dahilan kung bakit ngayon tayo ay may kaugalian na tinatawag nating Bayanihan.

Sa mahal kong Ina na kahit na napakaraming problema ay nariyan pa rin para sumuporta at ang dahilan kung bakit kahit ako ay may problema ay tinatawanan ko lamang dahil alam ko naman na may bukas pang naghihintay sa akin at tutulong na matapos ang mga problema. Sa mahal kong Ina na pinalaki ako bilang isang Pinoy na walang katulad, sa mahal kong Ina na sinilangan ko, sa mahal kong Ina, ang Perlas ng Silangan, ang pinakamalaki at pinakamahalagang perlas sa buhay ko. Salamat at Minamahal kita....INANG PILIPINAS!!!


Ako, bilang arkitekto ng pagbabago

Noong hayskul pa lamang ako, nagpasya na akong pagiging arkitekto ang tatahakin ko, dahil sa hilig at interes ko sa pagguhit at pakiramdam ko, ito ang tinitibok ng puso ko. Nabuo na sa isipan ko na magiging magiginng mahusay akong arkitekto. Ako ang magdidisenyo ng matataas na gusali, mahahaba at magagandang mga tulay at maging ang aking titirhan balang araw. Naniwala ako na magiging matagumpay ako sa buhay dahil sa pagiging arkitekto.

Subalit gumuho ang pangarap ko nang hindi ako napasama sa kursong nais ko, ang BS Architecture dahil nauubusan na ako ng pwesto. Ang sakit. Nanlumo ako. Nalungkot. Pakiramdam ko wala na akong pag-asa. Nakayuko, nakasimangot at walang imik nang biglang may lumapit sa akin, isang lalaking hindi katangkaran, inabutan ako ng isang maliit na piraso ng papel kung saan malaking nakasulat ang Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya (Bachelor of Arts in Filipinology). Sa pagkakataong ‘yon AB Theatrical Arts at BS Education nalang ang iba ko pang pagpipilian bukod sa ABF. Napaisip ako at napatanong sa sarili, “ito nab a?” Dahil paborito ko naman ang asignaturang Filipino noong nasa elementary at hayskul pa lang ako, napagdesisyunan kong ang kursong ito nalang ang pipiliin ko. Mababaw na dahilan pero ito lang ang nagging daan upang makumbinsi ko ang sarili ko na tama ang nagging pasya ko.

Nang sinimulan ko nang pag-aralan ang kurso, nasabi ko sa sarili ko na “ang hirap palang pag-aralan ang kursong dindi mo mahal”. Sa panahon kasing iyon, kumbaga sa bunga, bubot pa lang ako, baguhan, hindi pa namumulat. Ipinagpatuloy ko ang pag-aaral ng wika. At ito ako ngayon, nasa ikalawang taon na. Nagising na ang damdamin. Mula na. Mahal ko na ang kurso hindi lang dahil may mga tunay at tapat na kong kaibigan kundi dahil na rin ganap ko nang natanto ang layunin ng kursong ito. Salamat sa aking mga dalubguro na nagbukas ng aking isipan. Gayundin sa mga kapwa ko ABF na nagging inspirasyon ko para ipagpatuloy ito.

Binago ako ng kursong ito. Dahil ditto, mas minahal ko ang Pilipinas, ang bansang umaruga sa akin. Marami akong natutunan. Naging bukas ang aking isipan sa mga kulturang Pilipino. Nakilala kong lubos ang bansang aking sinilangan. Sa wakas, napansin ko na ang Inang Bayan na matagal nang nagpapapansin sa mga anak niya… mga anak niyang nalimutan na siya dahil nahuhumaling sa mga kumikinang na gintong inaalok ng ibang MAUNLAD na bansa na patuloy nilang tinitingala at hinahangaan.

Kasama ang mga kapwa ko ABF, isusulong namin at itataguyod ang paggamit ng sarili nating wika sa lipunang unti-unti nang nilalamon at inaagaw ng ibang lahi. Tutulungan naming ang mga taong may malalang karamdaman na kung tawagi ay “colonial mentality”. Tutulungan naming baguhin ang mangmang na pananaw ng maraming Pilipino na ang wikang Ingles ay wika ng mga matatalino samantalang ang wikang Filipino ay wika ng mga indio. Ipababatid naming sa kanila na higit ka pa sa indio kung mismong sarili mong wika ay hindi mo kilala.

Sa pag-aaral ko sa kurong ito, napagtanto ko na maaari pa rin akong maging arkitekto; subalit sa pagkakataong ito ay higit pa sa mga gusali, tulay at bahay ang ididisenyo ko, ito ay ang pagbabago ng mga Pilipino. Magdidisenyo ng mataas na pagtingin ng mga Pilipino sa sarili nating bansa. Magdidisenyo ako ng maka-bansang Pilipino na magiging tulay ng ating pagsulong. At magdidisenyo ako ng magandang kinabukasan ng Pilipinas. Magiging arkitekto ako ng pagbabago.

Naniniwala ako na kalooban ng Diyos ang pagpasok ko sa mundo ng ABF. Anak N’ya ako, alam kong walang amang kapahamakan ang nais para sa anak n’ya. May magansang dahilang ang Diyos kung bakit kabilang ako ngayon sa ABF.

WIKANG FILIPINO ating MAHALIN!


NI: Lovely Polyn Espina
                Magandang umaga mga Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya (ABF). Ang araw na ito ay isang daan upang lalo pa nating mahalin ang Wikang Filipino, wikang atin.
                Kayo ABF, kilala niyo bang lubusan ang ating sariling wika? Minsan ba ay naipagmalaki niyo na ang Wikang Filipino o palagi ninyong tinatago ito? Kapag kayo ba ay nakikipag-usap, Wikang Filipino ba ang inyong ginagamit o Wikang Ingles? Naisip niyo bang lubos pang magpakadalubhasa sa Wikang Filipino o mas pinag-eensayuhan pa ninyo ang Wikang Ingles?
                ABF, noong ako ay nag-aaral, naitanong ko din sa aking sarili kung alin ang aking pipiliing pakadalubhasain. Ngunit nakilala ko si Gng. Apigo, guro ko noon sa Filipino I. Ako noon ay nasa unang taon ng kolehiyo ng ipakilala niya ng lubusan ang Wikang Filipino. Noong natapos ang unang semestre ay bumalik na naman sa aking isipan kung alin ang dapat piliin, Wikang Filipino o Wikang Ingles. Papasok na ang pangalawang semsestre nang mapag-isipan kong piliin ang Wikang Filipino.
                Sa tuwing ako ay nakadadalo sa mga talumpati, seminar at iba pang pagdiriwang ay wikang Filipino ang aking winiwika. Bakit? Sapagkat ito ay dapat mahalin. Sa tuwing may nakakausap naman akong Pinoy, dito man o sa ibang bansa, Wikang Filipino parin ang aking ginagamit. Bakit? Dahil naniniwala akong bago natin pag-aralan ang ibang wika ay dapat pagyamanin muna natin ang sariling wika. Gaya ng pagpapaunlad natin sa ating bayan, walang ibang makapagpapayabong sa sariling wika kundi ang sarili nitong mamamayan, tayo mga Pinoy.
                Para sa inyong kaalaman, dapat na ipagmalaki ang Wikang Filipino sapagkat marami sa ating wika ay sariling atin at hindi hiram o salin mula sa wikang dayuhan. Marami ding ibang lahi ang nagnanais mag-aral o matutunan ito partikular na ang mga Amerikano.
                ABF, mapalalago pa nating lubos ang ating wika kung tayo mismo ay mahal ito hindi dahil ito ang inyong “major” kundi dahil nais ninyo.
                Wikang Filipino sariling atin kaya dapat na ipagmalaki at mahalin. Iyon lamang at maraming salamat.

Lovely Polyn Supsup para Mayor


NI : Lovely Polyn R. Espina
                Magandang umaga po mga kapwa ko BatangueƱo’t BatangueƱa. Alam ko pong marami na sa inyo ang nakakikilala sa akin. Sa mga hindi pa po, hayaan po ninyong ipakilala ko ang aking sarili.
                Ako po ay si Lovely Polyn Supsup na tunay na BatangueƱa, hindi po kagaya ng ibang kandidato na pupunta lang dito kapag nangangampanya. Ako po ang nag-iisang anak ng gobernador, Gob. Manuelito Supsup. Alam ko pong maraming humanga/humahanga sa aking ama pagdating sa larangan ng pamumuno at inaamin ko po, isa ako sa “dying fan” niya.
                Sa nakalipas po na tatlong taon na pamumuno ng ating mayor ay masasabi ko pong marami akong nakitang kakulangan --- kakulangan sa seguridad laban sa mga masasamang loob, kakulangan sa pinansyal na suporta sa edukasyon at medisina, at marami pang iba. Gayundin, marami din po akong nakitang kapabayaan --- kapabayaan sa kalusugan ng mga kababayan natin sa bawat baranggay, kapabayaan sa mga taong patuloy na gumagawa ng ilegal na aktibidad gaya ng pagpapatayo ng pasugalan at sabungan, at higit po sa lahat ang kapabayaan sa mga lugar na madalas na binabaha.
                Sa mga kamalian po na nakita ko ay nagdesisyon po ako na tumakbo bilang mayor ng ating nagdurusang bayan. Nais ko pong magbigay ng seguridad gaya ng pagtatalaga ng kapulisan sa bawat barangay upang magbantay sa mga magnanakaw lalo na po sa gabi’t madaling-araw. Sa pinansyal naman po na suporta sa medisina partikular sa ating mga lolo’t lola, 5% po sa tubo na kikitain ng aming kumpanya ang ibibigay ko. Nais ko din pong magtayo ng “Health Center” at ospital na 75% lamang ang sisingilin sa inyo. Pagdating naman po sa ilegal na aktibidad, asahan ninyo pong gagawin namin ang lahat makulong lamang ang mga taong nasa likod nito. Sama-sama po nating buwagin ang mga ilegal na pasugalan at sabungan dito sa ating bayan. Ipinangangako po ng aming partido na basta gumawa ng katiwalian ay siguradong mananagot sa batas, wala pong kama-kamag-anak. Kung edukasyon naman po ang inyong pinoproblema ay huwag na po kayong mangamba sapagkat sa isang linggo po’y sisimulan na ang paggawa ng paaralan malapit sa ating simbahan. Sinadya ko pong ipatayo iyon doon upang sa tuwing matatapos ang klase ng mga estudyante ay makadadan man lamang sila sa ating simbahan. Marami na kasing kabataan ang bihira nalang pumunta sa simbahan. Sa usapan naman po ng kalamidad magbibigay po ako sa bawat barangay ng mga “lfe vest”, “lubid”, “ rescue boat” at maging “flashlight”. Maglalagay din po ako ng “bell” sa mga barangay na madaling bahain partikular na sa mga lugar na malapit sa ilog/dagat nang sa gayon po ay alam ninyo kung dapat na ba kayong lumikas. Huwag po kayong mangamba sapagkat magtatayo din po ako ng “evacuation center” sa bawat barangay.
                Mga kababayan, pagod na ba kayo sa paghihintay sa pagbababago? At ngayon ay ipinangangako ulit? Alam ko pong hindi kayo bulag para hindi makita ang mga katiwalian ng dating pinuno at maaaring gawin muli nila/niya. Panahon na po para sa pagbabago! Atin na pong iboto Lovely Polyn Supsup para mayor pati na rin po ang aking mga mapagkakatiwalaang konsehal ng bayan. “Bumuto po tayo dahil alam nating sila’y mapagkakatiwalaan at hindi puro daldal.”
                Tandaan po natin, hindi sa kasarian ng tao masusukat ang kanyang kagalingan. Minsan kung sino pa ang inaakala nating walang kakayahan ay iyon pa ang nakagagawa ng mga bagay na para sa atin ay mahirap. Babae man po akong ituring ay kaya ko pong pantayan o higitan pa ang mga nagawa ng ating dating pinuno.  Huwag na po tayong magpadala sa mga mabubulaklak na salita nila na wala naman pong nagawa kundi ang mangako.
                Muli po magandang umaga sa inyong lahat, Lovely Polyn Supsup para mayor.

KULTURANG PINOY : ano nga ba ang pinagkaiba, NOON at NGAYON!


NI: Lovely Polyn Espina
                Ano nga ba ang kulturang Pinoy? Ano nga ba ang pinagkaiba nito noon at ngayon?
                Kulturang Pinoy, ito daw ang mga nakasanayan na nating Pinoy na gawin.
                Malaki na nga ang pinagkaiba noon at ngayon lalo na sa kultura. Gaya ng wika, ang kulturang Pinoy ay dinamiko, nagbabago. (1) Panliligaw ng lalaki sa babae. Noon, ang mga lalaki ay nagsisilbi sa magulangng babae; nandiyan ang pagsisibak ng kahoy, pag-iigib ng tubig o samakatuwid, pagpapaalila sa magulang ng babae. Kasama pa diyan ang panghaharana ni lalaki kay babae. Mahaba din ang panahon ng panliligaw at malas si lalaki kung hindi siya sagutin ni babae. Ngayon, hindi na kailangan dumaan kay nanay o kay tatay, kahit walang basbas nila ay maaari ng manligaw. Nandiyan na kasi ang “text”, “facebook”, “chat”, at “”love match” sa mga radyo. Meron namang ilan na nakikilala lang sa pagdiriwang, maya-maya ay magsyota na (magkasintahan). Ika nga ng matatanda, “noon, dadaan ka sa butas ng karayom bago ka sagutin ng babae. Ngayon, para nalang itong isang laro, madaling umpisahan at tapusin.” (2) Kasal. Noon, may sayawan pa sa gabi bago ang kasal, may bigayan pa ng pera ang mga ninong at ninang pagkakatapos ng kasal, hindi maaaring magsama ang lalaki at babae bago ang kasal o kahit magkita ay bawal, at higit sa lahat, ang mga ito ay ikinakasal sa simbahan. Ngayon, ikakasal ang magkasintahan kahit hindi pa nila gusto kundi dahil buntis na ang babae. Maaari na rin kahit hindi sila sa simbahan ikasal. Nauso din noon ang “fix marriage” o ikakasal ang hindi magkakilalang Eva at Adan dahil sa kagustuhan ng kanilang angkan. Ngayon ay bihira nalang ang gumagawa ng ganyan. Ika nga ng matatanda, “ang pag-aasawa ay hindi parang isang mainit na kanin na kapag isinubo’t napaso ay iluluwa, matutong magtiis kahit napapaso ang dila.” (3) Po at Opo. Noon, kapag tinawag ka ni nanay o noi tatay at sumagot ka ng walang po o opo, siguradong dudugo ang bibig mo dahil sa sampal. Kailangan din ang po at opo kapag sumagot ka sa nakatatanda sayo. Ngayon, kapag tinawag ka ni nanay o ni tatay kahit hindi ka sumagot ng po o opo ay ayos lang. ika nga ng matatanda, “iba na talaga ngayon ang kabataan kaysa noon, mga BASTOS na.” (4) Kasuotan ng kababaihan. Noon, ang sinusuot lamang nila ay mga damit na mahahaba ang manggas, palda na mahaba, at abaka. Ngayon, ang makikita mong suot nila ay sando o “sleeveless”, “short” na maiksi, at mga matataas na takong o “sandals” na makulay, pula, itim, dilaw atbp. Ika nga ng matatanda, “ang mga kababaihan ngayon ay wala ng tinatago.” (5) Pagkain. Noon, sapat na sa mga Pinoy ang kamote, saging na saba, gulay o anumang tanim na galing sa bakuran basta sabay-sabay kumakain ang pamilya. Ngayon, ang kinakain na ay “pasta”, matatamis na pagkain, karne atbp. Kahit hindi na rin kumain ng sabay-sabay dahil ang iba ay sa mga “fast food” na kumakain. Ika nga ng matatanda’ “hindi masaya ang mga Pinoy noon kung walang mga gulay. Ngayon, ayos lang sa mga Pinoy kung may gulay man o wala.”
                Hindi masamang magkaroon ng bagong kultura basta hindi ito makasasama sa ating bansa.

ABF : gaya-gaya !!!


NI: LOVELY polyn ESPINA 
 Ugali na nating mga Pilipino ang gumaya sa mga nakikita o naririnig natin kahit saan pa ito galing…
Sa aming klasrum ay maraming grupo, kanya-kanya, walang pakialaman. Ngunit alam niyo ba kung ano nakapagsaasama-sama sa amin? Ito ang “gayahan portion.”
Akala niyo ba magpapahuli ang Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya dyan? Hindi no! maraming kalokohan ang nagaganap lagi sa aming klasrum: nandyan ang asaran, kulitan na lalo pang pinakukulay ng mga nakatutuwang salita o galaw. (1) Paggaya sa mga beki (bakla). Nang ako ay mapadaan sa isang grupo na may pinag-uusapan narinig ko ang salitang “sinetch itey” o sino ito, sa isa amang grupo na masayang nagkukwentuhan ay narinig ko ang “bonggang-bongga”, sinabi naman ng kaibigan ko sa akin ng ako ay may problema na “keribels mo lang yan teh!” o kaya mo yan, at nung may nakita naman kami na pogi, sabi ng kaibigan ko “epek ang lola mo!” o ang pogi nya. (2) Paggaya sa mga napapanood. Narinig ko sa kaklase ko ang salitang “ikaw na, dabes ka e!”, at meron din namang nanggagaya kay Shamcey Supsup sa kanyang “tsunami walk”. (3) Paggaya sa lakad ng aming mga kaklase. Nangunguna na dyan ang aking dalawang kaibigan, si Stephanie at si Mayaracint, na ginagaya ang lakad nina Jerold at Jamae. (4) Paggaya sa Korean Artist. Nangunguna parin dyan si Mayaracint, mula sa pananamit at pagmemeyk-up. (5) Paggaya naman sa mga taong “emo” o emosyonal. Nandyan sina Mary Rose, Faith at Angie. (6) Paggaya sa mga pamapaganda’t pampapogi. Siyempre lahat kami dyan. :)
Natural lang sa atin ang paggaya basta huwag nang lalampas sa sobra!